Relasyon nina PRRD at Pacquiao, may lamat na – Roque

Aminado ang Malakanyang na hindi na maibabalik sa dati ang magandang relasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao.

Ito ay matapos buweltahan ng pangulo si Pacquiao at hamunin na patunayan ang pahayag na mas malala ang korapsyon sa kanyang administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw na “natapon na ang sabaw” sa pagitan ng Pangulong Duterte at ni Pacquiao kaya dapat patunayan ng senador ang mga pahayag nitong katiwalian.


Mayroon aniyang isang linggo ang senador para sabihin kung anong ahensiya ang sinasabi nito na talamak ang korapsyon.

“I think it’s another obvious that the relationship between the President and Senator Pacquiao is not as cordial as it was. And of course, the challenge for Senator Pacquiao was clear, in the past, you had nothing but praises for me, puri ka lang nang puri sa akin. Hindi mo sa akin sinasabi ang nakikita mong problema ng korapsiyon. So ayan, binigyan yata siya ng isang linggo kung hindi ako nagkamali – ilang araw ba iyong binigay niya? – sabihin mo kung saan iyang korapsiyon. One week nga ang binigay sa kaniya. Sabihin mo kung saan iyong ahensiya na may korapsiyon na iyan dahil kung mayroon namang alam na actual kaso ng korapsiyon ay inaaksyunan naman po iyan ni Presidente,” ani Roque.

Giit pa ni Roque, kung may reklamo si Pacquiao ay dapat sabihin nito para maaksiyunan ng presidente pero kung ito ay hindi naman mapatunayan ng senador ay malinaw na namumulitika lamang ito.

Facebook Comments