Relasyon sa Muslim community leaders, palalakasin ng PNP

Inutusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang lahat ng police commanders na palakasin ang kanilang ugnayan sa mga Muslim community leaders.

Ito ay para maipakita na maaring magkaroon ng mapayapang samahan ang mga Kristyano at Muslim sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sabi ng Eleazar, ganito ang ipinatupad niya noong siya ang District Director ng Quezon City at naging epektibo ito sa pagpapanatili ng peace and order sa mga Muslim community.


Ginawa ng PNP Chief ang pahayag matapos ang kaniyang pagbisita sa Salam Compound, Barangay Culiat, Quezon City kaninang umaga kung saan pinangunahan din niya ang paglulunsad ng “Barangayanihan Food Bank” bilang bahagi ng selebrasyon ng Eid’l Fitr.

Kaugnay nito, pinuri ni Eleazar ang mga lider at residente ng Salam Compound sa kanilang tuloy-tuloy na kooperasyon sa PNP na naging dahilan ng pagbabago mula sa mga negatibong pananaw sa mga Muslim.

Binigyang-diin din ni Eleazar na anuman ang paniniwala, pare-parehong Pilipino ang Muslim at Kristiyano.

Facebook Comments