Relief Distribution nagpapatuloy sa Maguindanao

Tuloy –tuloy ang pagpapaabot ng tulong ng Provincial Government ng Maguindanao sa ibat ibang Local Government Unit ng probinsya.

Kanina, pinangunahan mismo ni Vice Governor Datu Lester Sinsuat kasama si Board Member Datu Bimbo Sinsuat, MILG BARMM Assistant Secretary Michael Midtimbang at Suraina Ulama, Chief of Staff ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang relief distribution sa LGU ng Datu Odin Sinsuat.

Nasa 32, 000 food packs ang itinurn over ng mga ito kay DOS Mayor Cherry Lou Sinsuat. Kinabibilangan naman ng Bigas, Monggo, Tuyo(Bulad) Kape at Asukal na nakalagay sa balde ang laman ng foodpacks .


Agad namang sinimulan ang house to house distribution para sa lahat ng households ng DOS mula sa 34 na barangay.

Samantala bukod sa DOS, nakapagpaabot rin kahapon ng kahalintulad na foodpacks ang PGO sa mga bayan ng Sultan Kudarat, 31,000 households ang nakabiyaya habang 27,000 households naman sa Sultan Mastura ayon pa kay Ms. Surai ng PGO.

Nakaskedyul na rin ang mga bayan ng Mother at Northern Kabuntalan bukod pa sa Upi at South Upi para mabigyan ng karagdagang ayuda, ito na ang ika 3rd wave na ayuda ng PGO sa mga nabanggit na LGU.
Ang relief distribution ay base pa rin sa naging direktiba ni Governor Bai Mariam.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments