70-anyos na lalaki, patay matapos tamaan ng kidlat

REPRESENTATION PHOTO FROM SHUTTERSTOCK

Ilocos Sur – Patay ang isang 70 taong gulang na lalaki habang sugatan naman ang kaniyang kinakasama matapos silang tamaan ng kidlat sa Barangay Naglaoa-an, bayan ng Sto. Domingo sa nasabing probinsiya nitong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang nasawing residente na si Fernando Tabin.

Ayon sa imbestigasyon, kasama ng senior citizen ang live-in-partner na si Christy at mga apo sa kanilang kubo nang biglang tumama ang kidlat sa kasagsagan ng malakas na ulan pasado alas-4 ng hapon.


Kaagad isinugod sa Northside Doctors Hospital ang dalawa pero binawian ng buhay kinalaunan si Tabin.

Patuloy naman nagpapagaling sa pagamutan ang live-in-partner ng lalaki. Wala naman tinamong pinsala o galos ang mga apo.

Facebook Comments