Nagpapatuloy ang isinasagawang relief distribution ng Provincial Government ng Maguindanao para sa mga residenteng naapektuhan ng krisis na dulot ng COVID 19.
Simula noong araw nakaraang linggo ng opisyal na magpaabot ng ayuda sa mga residente ang PGO sa pangunguna ng PDRRMO katuwang ang militar.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong sa nakalipas na mga araw ay ang mga liblib na mga baranggay ng South Upi, Talayan,Mamasapano, Rajah Buayan, Sultan sa Barongis, Datu Salibo , Datu Hoffer, Shariff Saydona Mustapha, Datu Montawal, Paglat, Pandag, Magudadatu, GSKP , Buluan, Pagalungan, Ampatuan, Datu Abdullah Sangki. Talitay , Guindulungan, Datu Saudi at Datu Anggal Midtimbang.
Bitbit ng mga taga PGO at Militar ang balde baldeng mga relief na naglalaman ng bigas at ilang groceries.
Kaugnay nito lubos na nagpapasalamat ang mga nakabiyaya ng tulong mula sa Provincial Government. Bukod sa pagkain , mas higit na pinasalamatan ng mga ito ang sakripisyo ng mga may dala ng tulong para lamang maipaabot sa kanila ang ayuda.
Matatandaang hindi man lamang inalintana ng mga taga PDRRMO at Militar ang layo ng kanilang nilalakad sa kabila ng mainit na panahon habang nakasout pa ng PPE at Uniporme para lamang maihatid sa mga tahanan ang tulong mula sa Maguindanao Goverment.
Target ng PGO na mapagkalooban ang nasa 200 libong households sa buong probinsya base na rin sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
PDRRMO Maguindanao Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>