Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang relief goods na ipinamamahagi sa mga residenteng apektado ng bakbakan sa Mindanao.
Sa interview ng RMN kay Asec. Hope Hervilla – aabot sa 55 milyong piso na halaga ng tulong ang nailabas ng ahensya.
Nagsasagawa rin ng stress debriefing ang ahensya para sa mga nagkaroon ng trauma ng bakbakan.
Sinabi rin ng opisyal na bukas pa rin ang mga tanggapan ng DSWD sa buong bansa sa mga nais magbigay ng tulong.
Sa huling tala ng DSWD, 60,000 na lumikas na indibidwal ang tinutuligan habang nasa higit 40,000 family food packs na ang naipamahagi.
DZXL558
Facebook Comments