Relief Items sa mga Pamilyadong Apektado ng TS Maring, Nakahanda na; Ilang Pamilya, Inilikas

Cauayan City, Isabela- Kasado na rin ang pwersa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 sa posibleng epekto ng Tropical Storm Maring.

Tiniyak ng ahensya ang sapat at nakahandang food at non-food items sa posibleng tugon na tulong sa mga maaapektuhang Local Government Units (LGUs).

Inihayag ni Marciano Dameg, Disaster Response Management Division Chief na mayroong 22, 490 Family Food Packs at 8, 586a non-food items ang availblae sa kanilang warehouse gayundin ang nakahandang pondo na ilalaan sa quick response disaster activities na aabot sa mahigit P4 milyong piso.


Nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction Management Council sa paghahatid ng relief items sa mga posibleng maapetuhan na coastal areas sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, ilan sa mga coastal municipalities gaya ng Gonzaga at Sta. Ana, Cagayan ay nakakaranas ng light to moderate na buhos ng ulan.

Samantala, Nakataas na sa Red Alert status ang buong probinsya ng Cagayan dahil sa epekto ng Tropical Storm Maring.

Aabot naman sa 27 pamilya ang apektado ng pagbaha sa Brgy. Minanga, Aparri na kasalukuyan ngayong binabantayan ng mga awtoridad at inaasahan ang posibleng paglikas ng mga ito.

Nasa 1 pamilya o tatlong indibidwal ang inilikas mula sa Brgy. Dalla, sa bayan ng Baggao.

Nakaranas naman ng bahagyang pagtaas ng tubig ang mga residenteng nasa tabi ng ilog sa Brgy. Nagtupacan, Pamplona dahil sa hangin na nagmumula sa dagat ng siyang nagtulak sa tubig para pumasok sa ilog na sinabayan naman ng high tide ayon sa Pamplona QRT.

Samantala, hindi naman nakaligtas sa malakas na buhos ng ulan dulot ng pagbaha ang ilang pananim na mais sa bayan ng Baggao.

Tumataas naman ang lebel ng tubig mula sa ilog na sakop ng Zone 3 ng Barsat East at ilang lugar na rin ang binaha.

Patuloy naman ang pagbabantay ng mga awtoridad sa sitwasyon sa buong lalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments