Sinimulan na ang relief operations ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Dubai at Abu Dhabi kasunod ng paghupa ng malawakang pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).
Ang pagpapaabot ng tulong ay upang matiyak na maayos at ligtas ang kalagayan ng ating mga kababayan sa nasabing bansa.
Kasunod nito, patuloy na nakipag ugnayan narin ang Migrant Workers Office (MWO) at OWWA sa mga Filipino Communities (FILCom) upang maipabot pa sa ibang Pinoy ang agarang tulong.
Samantala, tuloy na rin ang komunikasyon ng OWWA Dubai sa gobyerno ng UAE para sa agarang pagproseso sa repatriation ng mga labi ng tatlong OFW na nasawi sa malawakang pagbaha at maiuwi sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.