Bahay ng banyagang iniuugnay sa nasabat na mahigit 1 toneladang shabu sa Batangas, sinalakay ng mga awtoridad

Sinalakay ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Batangas Police ang nirerentahang bahay ng isang Canadian national na iniuugnay sa nasabat na ₱9.6-B na iligal na droga sa Alitagtag, Batangas.

Sa ulat mula sa Police Regional Office 4-A, ginanap ang operasyon kaninang madaling araw.

Ikinasa ang operasyon matapos maglabas ang korte ng search warrant para sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act sa tinutuluyan ng suspek sa Maya maya ocean residences, Brgy Natipuan, Nasugbu, Batangas.


Sa isinagawan operasyon, hindi natagpuan ang target ng operasyon na canadian national.

Maliban dito ay wala ring nakuhang ebidensya ang pulisya.

Sa ngayon, hindi pa tinutukoy ang partisipasyon ng suspek sa nasabat na mahigit isang toneladang shabu kamakailan.

Facebook Comments