Relief Packs, Nakatakdang Ipamahagi sa Lungsod ng Ilagan!

Cauayan City, Isabela- Anumang araw ay ipapamahagi na sa bawat tahanan sa mga barangay ang mga relief packs na nirepack ng mga empleyado ng pamahalaang Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, naumpisahan na nitong nakaraang araw ang pagrepack sa mga relief goods at sakaling matapos na ito ay ipapamahagi na sa 91 barangay ng Lungsod.

Tiniyak aniya ng kanilang Punong Lungsod na si Mayor Jay Diaz na mabibigyan lahat ng relief goods ang mga barangay sa Lungsod lalo ang mga 4P’s members.


Magigiging katuwang ng LGU ilagan sa pagbibigay ng relief packs sa mga bahay ang mga brgy officials, tanod, day care worker at BHW.

Bukod dito, mahigpit aniya ang kanilang pagpapatupad sa curfew hour at liquor ban bilang bahagi sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments