Umabot na sa isa’t kalahating milyong relief packs ang naipamahagi ng Quezon City Government sa mga barangay na sakop nito.
Sa datos ng Quezon City Quick Response Team at City Disaster Risk Reduction and Management Office, katumbas ng food packs na ito ay ang nilang ng mga pamilyang naabutan ng tulong mula sa Lokal na Pamahalaan.
Sa unang bugso ng pamamahagi mula sa pondo ng mga barangay, nakapamahagi ang mga ito ng kabuuang 582,060 na food packs na sinundan ng second wave mula sa QC-LGU na mayroong 512,921 na food packs at pangatlong wave 488,071 na food packs.
Pinakahuling nabigyan ng third wave na food packs ay ang Brgy. Bagong Silangan Quezon City kung saan nagpapatuloy ngayon ang pamamahagi ng relief goods.
Bukod sa isinasagawang food packs distribution, tuloy din sa pag-iikot sa buong lungsod ang QC Fresh Market on Wheels na nagbebenta naman ng mga murang produkto.
11 barangay na naseserbisyuhan ng Fresh Market on Wheels ng pamahalaang lungsod kabilang na ang Immaculate Concepcion, Escopa III, Salvacion, St. Peter, Pansol, Loyola Heights, Sto. Nino, Apolonio Samson, Talipapa, Sangandaan at BL Crame.