Relief program para sa mga miyembro ng SSS na hindi pa makapagbayad ng loan, pinag-aaralan

Pinag-aaralan ngayon ng Social Security System (SSS) na magbigay ng relief program para sa borrowers nila na hindi pa nakukumpleto ang mga bayad.

Ayon kay SSS Executive Vice President Rizaldy Capulong, nasa limang “Pandemic and Restructuring Programs” ang kanilang inaaral ngayon kabilang na ang para sa mga may housing at salary loans.

Ibig sabihin nito, ang mga may pagkaka-utang pa sa kanila na lampas na sa anim na buwan ang hindi pa nababayaran ay maaaring payagan na muli na mag-apply ng loan programs.


Pero sa ngayon, hinihintay pa rin ang approval nito sa pamunuan ng SSS kabilang na ang Department of Finance (DOF).

Facebook Comments