Cotabato, Philippines – Mariing kinondena ng regional Darul Iftah sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang ginawang paglapastangan ng maute group sa simbahang katolika matapos nitong sunugin ang isang simbahan sa marawi city at sirain ang mga sagradong gamit at mga imahe sa loob ng naturang gusali.
Nagkasundo ang mga islamic leader at elder na “un-islamic” at maituturing na “Haram” ang ginawa ng mga terorista sa St. Mary’s Church sa Marawi City.
Ang naturang gawain ay labag sa turo ng qur’an at sa habilin ni Propeta Mohammad.
Sinabi ni Grand Mufti na si Abu Huraira Udasan, ang naturang mga terorista ay hindi nagabayan ng mabuti hinggil tamang sa turo ng Islam.
Walang turo sa Islam na nag-uutos sa mga muslim na sirain at lapastanganin ang mga non-Islamic worship site at parusahan ang mga lider ng ibang relihiyon.
DZXL558, Amir Sinsuat