Relihiyong Katoliko, posibleng ma-extinct sa loob ng 25 taon – PRRD

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng mawala na ang relihiyong Katoliko sa loob ng 25 taon.

Ito ay sa gitna ng kinakaharap na kontrobersiya ng religious institution tulad ng sex scandals na kinasasangkutan ng ilang kaparian.

Ayon kay Pangulong Duterte – may mga pari na ginagamit ang ilang madre bilang sex slaves habang ang iba ay diumano’y homosexuals.


Pero nilinaw ng Pangulo na hindi siya galit sa simbahan pero kinamumuhian niya ang ilang obispo.

Binanggit din ng Pangulo ang napatay na pari na may illicit affairs sa isang babae.

Pinuna rin ni Duterte ang ilang media reports na tila ipinapakitang “santo” ang mga pari.

Ikinainis din ng Pangulo na may ilang pari ang kritiko sa kanyang pamumuno at ipinagdasal pa ang kanyang kamatayan.

Facebook Comments