Isusulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) na i-redeploy sa ibang bansa ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na mare-repatriate mula sa Middle East.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, alternative option ng pamahalaan ang pagsasagawa ng relokasyon para mahikayat ang mga pinoy na bumalik ng bansa bago pa tumindi ang tensyon sa gitnang silangan.
Mayroon na aniyang umuusbong na alternative markets para sa mga Pilipino gaya ng Canada, Russia, Germany, at China.
Sa kabila nito, tumanggi na ang kalihim na magbigay ng ibang detalye kung kailan ulit makakapagtrabaho sa ibang bansa ang mga umuwing OFWs.
Kailangan muna kasi aniyang i-profile ang mga overseas workers bago magsimula ang kagawaran na humanap ng trabaho para sa kanila.