Relokasyon para sa mga residenteng naapektuhan ng lindol sa Leyte, inihahanda na

Manila, Philippines – Naghahanap na ng lupa ang Kananga at Ormoc municipalities para sa gagawing relokasyon ng mga naapektuhan ng lindol sa Leyte.

Ayon kay DSWD regional Director Resituto Macuto – mula sa 78 pamilya noong Biyernes, umabot na sa 157 na pamilya mula sa barangay Rizal ang nananatili ngayon sa evacuation center sa Rizal National High School.

Pinalikas na rin kasi ang iba pang residente sa lugar dahil sa patuloy na nararanasang aftershocks at posibleng pagguho ng lupa.


Ayon pa kay Macuto, i-inspeksyon nila ang mga apektadong lugar para malaman kung ligtas pa ba itong balikan.

Nagpasalamat naman si macuto sa pagbuhos ng mga tulong mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at mga pribadong sektor.

Pagtitiyak nito, hindi naaabuso at nakararating ang relief goods sa mga evacuees.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments