Remdesivir, kasama pa rin sa WHO Solidarity Trial – FDA

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ang anti-viral drug na remdesivir ay kabilang pa rin sa Solidarity trial ng World Health Organization (WHO) para sa potensyal na lunas laban sa COVID-19.

Ito ang pahayag ng FDA kahit una nang iniulat na ang gamot ay hindi nakatulong sa ilang pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi pa itinigil ng WHO ang trial nito sa remdesivir.


Aniya, nagkaroon lamang sila ng interim report na nagsasabing hindi pa siya tiyak kung mayroong positibong epekto ang gamot.

Dagdag pa ni Domingo, may ilang bansa pa rin ang gumagamit ng remdesivir para sa clinical trials.

Una nang binatikos ng Gilead Sciences Inc. ang manufacturer ng remdesivir ang findings ng WHO sa kanilang trial.

Facebook Comments