Remedios Salazar-Fernando, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang CA Presiding Justice

465

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presiding Justice ng Court of Appeals si Court of Appeals Associate Justice Remedios Austria Salazar-Fernando.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment ni Fernando noong Martes, November 24.

Kumpiyansa naman ang Palasyo na maayos na magagampanan ni Fernando ang bago niyang tungkulin.


Facebook Comments