COMELEC offices, sarado sa Nov. 30 at Dec. 8

60

Sarado ang lahat ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa buong bansa sa November 30, 2020 at December 8, 2020 alinsunod ito sa Presidential Proclamation no. 845.

Itinuturing kasi bilang holiday ang November 30 bilang paggunita ng Bonifacio Day habang sa December 8 naman ay special non-working holiday para sa Feast of the Immaculate Conception.


Dahil dito, walang voters registration sa nasabing mga petsa at wala ring transaksyon sa kanilang main at field offices kabilang ang paglalabas ng voter’s certification.

Paalala naman ng ahensya, isinasagawa ang voter registration mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon tuwing weekdays.

Mahigpit ding ipinatutupad ang minimum public health standards sa loob at labas ng COMELEC offices.

Facebook Comments