Remittance fee discount para sa mga OFWs, lusot na sa 2nd reading

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbibigay proteksyon sa perang pinaghirapan ng mga OFWs sa pamamagitan ng pagbibigay ng discounts sa kanilang mga remittances.

Sa ilalim ng inaprubahang House Bill 9032 o ang “Overseas Filipino Workers (OFW) Remittance Protection Act, layunin nitong limitahan ang ipinapataw na remittance fees ng mga banks at non-bank financial intermediaries, pagbibigay ng discounts sa mga OFWs at tax incentives sa mga establisyimento na nagbibigay ng discounts sa mga OFWs.

Ang mga banks at non-bank financial intermediaries ay oobligahin na magbigay ng mandatory discount sa remittance fees ng 10% hanggang 50% depende sa halaga ng ire-remit.


Hindi naman papayagan ang mga financial intermediaries na nag-aalok ng remittance services sa mga OFWs na basta magtaas ng remittance fees na walang ginagawang konsultasyon sa Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Mahaharap naman sa multa at pagkakakulong ang sinumang lalabag sa oras na maging ganap na batas ito.

Facebook Comments