Posibleng bumaba ng hanggang 5% ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, inaasahan nila ang pagbaba ng remittances ngayong taon dahil libo-libong repatriated OFWs ang nagbabalik-bansa.
Marami ang nagpasyang umuwi ng bansa dahil naapektuhan ng pandemya ang kanilang trabaho at kabuhayan sa ibang bansa.
Sinabi ni Diokno na karamihan sa mga OFW ay nagtatrabaho sa cruise ships.
Payo ni Diokno, makakatutulong sa remittances ng bansa kung magpapadala tayo ng nurses, doktor, computer specialists sa ibang bansa gayong maganda umano ang reputasyon ng mga Pilipino pagdating sa ganitong mga larangan.
Gayunman, tiwala ang BSP na makakabawi ang bansa kasabay ng pagbubukas ng industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) na mataas ang demand sa serbisyo ngayon.