Tumaas ng 4.8% na katumbas ng $2.889 billion o mahigit P146.70 billion ang remittances ng mga overseas Filipinos noong Agosto.
Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas mataas ito sa naitalang $2.756 billion o higit P139.95 billion remittances sa kaparehong buwan noong 2020.
Habang mas mababa naman ito sa naitalang $3.16 billion o higit P160.45 billion noong Hulyo.
Ang remittances mula sa land-based workers na may isang taong kontrata ay umabot sa $2.2 billion o higit P111.71 billion noong August habang ang mga Seafarers at land-based laborers na may maiksing kontrata ay nasa $629 million o higit P31.93 million.
Facebook Comments