Remittances ng Pinoy seafarers, inaasahang tataas sa pagkakasama ng Pilipinas sa IMO Whitelist

Kumpiyansa ang Department of Migrant Workers (DMW) na lalo pang tataas ang perang ipapasok sa bansa ng Filipino seafarers.

Ito ay matapos ang muling pagkakasama ng Pilipinas sa International Maritime Organization (IMO) Whitelist.

Nangangahulugan kasi ito na nakakasunod ang Pinoy seafarers sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) convention.


Magugunitang sa nakalipas na taon, pumalo sa US$6.85 billion o ₱380 billion ang naiuwing remittances ng Pinoy seafarers.

Ito ay mas mataas ng ₱9.2 billion kumpara noong taong 2022.

Facebook Comments