PCOL Catan assumes position as PCOL Servita retires as Naga City Police Chief; Basketball Referee, nasampolan, tiklo sa drug-buy-bust operation

15

Tiklo sa isang buy-bust operation si Ariel Aquino y Velasco, edad 47, single, at residente ng Zone 1, Sacred Heart Street, Brgy. San Felipe, Naga City.
Ang operation ay isinagawa ng mga pinagbuklod na mga elemento ng CIB, CDEU na pinangungunahan ni PMAJ Edgar Butch Moraledea, Intel CMFC, RDEU sa pangunguna ni PMAJ Aldin Oroqueta, 501st RMFB5, 903 CIP, 9MIB, 9ID PA, 83rd INF PA, PS3 SDEU na pinamumunuan ni PMAJ Wilfredo Lastrella, at PDEA CamSur sa ilalim ng pangkalahatang supervision ni PCOL Marlon Catan na bagong talagang police director ng Naga City.
Nabili mula sa suspect ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu sa halagang P500.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect.

Samantala, nag-assume na ng kanyang bagong posisyon bilang director ng Naga City Police Office si PCOL Marlon Catan. Ito ay matapos magretiro na si PCOL. Servita sa pagdating ng kanyang mandatory retirement age.




Facebook Comments