Renewable Energy Law, ipinare-review sa Kamara

Pinaaapura ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda sa Department of Energy (DOE) ang proseso ng pag-apruba ng mga power plant partikular ang renewable energy.

Kasabay nito ang babala ng kongresista na posibleng sa kalagitnaan ng 2022 ay makaranas ang buong mundo ng “energy crunch” o sobrang pagtaas sa power at fuel costs matapos makaranas ang bansa ng sunod-sunod na taas sa singil sa presyo ng langis.

Nagbabalik na aniya sa sitwasyon ng pre-pandemic kung saan ang langis at maging ang natural gas ay sumisirit ang presyo.


Kaugnay rito ay pinare-review ni Salceda sa Kamara ang Renewable Energy Law upang mapabilis ang approval process sa mga renewable energy sa bansa para mapababa ang presyo ng langis at upang hindi na nakadepende ang bansa sa importasyon ng fossil fuels.

Aniya, dahil sa dami ng requirements na hinihingi sa mga renewable energy players sa bansa kaya nabibitin o hindi na itinutuloy ang pagtatayo ng mga power plant.

Inirekomenda rin ni Salceda na isama rin ang Energy Department sa regular na talakayan sa economic recovery plans ng bansa.

Facebook Comments