Renewal ng prangkisa ng Meralco sa bansa, inaprubahan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang renewal ng 25 taon prangkisa ng Manila Electric Railroad and Light Company o Meralco.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong hapon.

Taliwas ito sa mga naunang report na lumabas sa social media na nag-lapse into law ang panukala.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nilagdaan ito ni PBBM noong April 11.

Nakasaad sa panukala na ini-extend ng 25 taon ang prangkisa ng Meralco sa bansa na mag-e-expire na sana sa 2028.

Facebook Comments