Mapayapang halalan sa Mindanao, siniguro ng WestMinCom

PHOTO: Western Mindanao Command AFP/Facebook

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command ang kanilang matibay na paninindigan para sa isang mapayapa at tapat na Eleksyon 2025.

Sa idinaos na Peace Covenant Signing sa Mindanao State University, Marawi City kahapon April 15, nagtipon-tipon ang mga kandidato mula sa Lanao del Sur kasama ang mga kinatawan, gobernador, bise-gobernador at mga alkalde kung saan nangako sila ng marangal at mapayapang halalan.

Personal na dumalo sa aktibidad si WestMinCom Commander Lt. Gen. Antonio Nafarrete at kaniyang tiniyak ang maayos na eleksyon sa rehiyon.

Base sa ulat, nasa 20 lugar ang sakop ng “red areas” sa Lanao del Sur at siyam naman sa Maguindanao del Sur.

Facebook Comments