Dagupan City – Nagsagawa ng Aquaculture Lease Agreement (ALA) renewal ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Agriculture Office ng Dagupan City para sa mga nag-rerenta ng mga palaisdaan sa lungsod. Alinsunod sa Republic Act 8550 o ang Philippine Fisheries Code of 1998, kung saan nakapaloob ang proseso ng pag-renew ng mga nag-rerenta ng palaisdaan mula sa lokal na gobyerno.
Ayon kay Dagupan City Agriculturist Emma Molina by schedule ang nasabing proseso ng renewal na kung saan barangay ang magsasabi sa mga nag-rerenta ng palaisdaan. Kahapon aabot sa 180 renewals para sa ALA ang inasikaso ng Agricultural Office at nasa humigit kumulang 100 ang hindi pa nakakapag-renew.
Mula sa P1,000 na annual rent per hectare ngayong taon ito nasa P1,050 at aabot naman sa P852 ang para sa renewal fee. Ang mga bigong makapag-renew ay maaaring kanselahin ang permit to operate bilang isa sa mga requirements na kailangan i-comply upang makapagpatuloy ng operasyon.