Manila, Philippines – Hindi na nakaporma pa ang limang babae na miyembro ng “Rent-Sangla” scam makaraang maaresto ng Manila Police District. Ayon sa District Police Intelligence and Operation Unit ng MPD, ineengganyo ng mga suspek na mamuhunan ang kanilang mga parokyano sa housing units na ginawang paupahan sa Taguig. Mababalik ang puhunan ng mga kliyente kapag nagbayad ng paupahan ang mga tenant ngunit lumalabas na nakasangla pa rin pala sa iba ang sinanglang housing units sa mga parokyano. Isa sa mga nabiktima ay namuhunan ng P150,000 noong Hunyo 2017 sa isang bahay at pinangakuan na magkakaroon ng p10,000 kada buwan pero wala siyang natanggap maliban sa p10,000 noong Disyembre. Depensa naman ng mga suspek, nagagastos nila ang perang pinuhunan sa mga bahay at hindi na nila kayang maibalik pa ito.
RENT SANGLA SCAM | 5 babae, arestado!
Facebook Comments