MAMAHALIN | “World’s Most Expensive Dog Jacket”, inilabas na ngayon sa merkado

Panghimagas – Inilabas ngayon sa merkado ang tinaguriang “World’s Most Expensive Dog Jacket” Siguradong malulula ka sa halaga ng jacket na ito na aabot sa $137,000.00 (p7,124,685.00) kung saan gawa sa 24 Karat Gold na may naka-encrust na Crystals at Black Diamonds. Ang nasabing Canine Jacket ay may kakayahan din daw na ma-protektahan ang iyong aso sa kagat ng kalaban nito maging sa kutsilyo dahil ang mga nano coated fabircs na ginto na labing limang beses na mas matibay sa bakal at walong beses na mas matibay sa Kevlar. Maaari naman itong i-order via online at ikaw na din ang bahalang pumili ng design para sa iyong aso. Usap-usapan tuloy sa internet mas nababagay daw ito kay Yogi na sinasabing kamukha ng mga artistang sina Nicolas Cage, Jake Gyllenhaal at singer Ed Sheeran.

Facebook Comments