Rental Housing Subsidy Program para sa mga informal settlers, tatalakayin na sa plenaryo

Iaakyat na sa plenaryo ang panukala na layong bigyan ng ayudang pang-upa ng tirahan ang mga informal settlers family (ISF) sa bansa.

Inaprubahan sa House Committee on Housing and Urban Development ang “Rental Housing Subsidy Program Act” na bubuo ng isang rental housing subsidy program para sa mga informal settlers.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng buwanang rental subsidy ang mga kwalipikadong informal settler family ng hanggang P3,500 na maaapektuhan ng mga itatayong government national projects.


Maaari ring makapasok sa programa ang mga ISF na biktima ng kalamidad.

Ikokonsidera naman ang halaga ng subsidiya sa rental rates kada rehiyon.

Tinukoy ang informal settlers na mga pamilyang nakatira sa mga pribado o pampublikong lupa nang walang pahintulot ng may-ari gayundin ang mga nakatira sa estero, riles, dumpsites, tabing-ilog at waterways.

Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, isa sa mga may-akda ng panukala, pangunahing layunin nito na maalalayan ang mga pamilyang walang bahay habang naghihintay ng permanenteng pabahay mula sa gobyerno.

Facebook Comments