REOPENING | Casino-free Boracay, suportado ni Sen. Villanueva

Buo ang suporta ni Senator Joel Villanueva sa isinusulong ng Department of Tourism o DOT na gawing casino-free ang Boracay.

Pahayag ito ni Villanueva makaraang hilingin ng DOT kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-isyu ng Executive Order (EO) na tuluyang magbabawal sa casino o sugalan sa Boracay.

Diin ni Villanueva, nagdudulot lang ng katamaran ang sugal at ito ay hindi dapat makaugalian ninuman lalo na ng mga kabataan.


Katwiran ni Villanueva, sapat na ang white sand beaches ng Boracay at hindi na kailangan pa ang mga casino para maka-akit ng mga turista.

Facebook Comments