REOPENING | Mga patakaran at panuntunan sa Boracay, muling ipinaalala ng Inter-Agency Task Force

Aklan – Muling ipinaalala ng Boracay Inter-Agency Taskforce ang mga patakaran at panuntunan na ipinatutupad sa isla.

kabilang na rito ang mga sumusunod:

Ang ‘no booking, no entry’ policy – mula sa Caticlan at Kalibo airport ay dadaan sa mahigpit na pagsusuri ng Department of Tourism (DOT) kung ang hotel at resort nito ay kasama sa mga listahan na accredited ng ahensya.


Ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng mga malakihang party, paglalagay ng beach bed, upuan at payong.

Bawal din ang mga alagang hayop, pagkakalat o pagtatapon ng basura.

Hindi rin papayagan ang paggamit ng single-use plastics.

Bawal din ang pag-iihaw at paggamit ng kerosene o gas.

Ang mga open fires ay hindi na rin maaring gawin sa isla.

Wala ring casino na papayagang makapag-operate sa isla.

Ang paggawa naman ng sand castle sa beach ay lilimitahan na rin.

Nagtalaga na rin ng designated area para sa water sports.

Hanggang alas-9:00 ng gabi na lamang ang mga fireworks display.

Magkakaloob din ng libreng sakay ang mga e-jeepney ang pamahalaan sa Disyembre.

Nanawagan naman ang pamahalaan, ibayong disiplina at kooperasyon ng publiko ang kailangan para hindi na maulit ang sinapit ng isla.

Facebook Comments