Aklan – Posibleng kinakailangan na ng mga turista na magkaroon ng tap cards o access bracelets bilang security measure sa isla ng Boracay.
Ito ang inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang hakbang para ma-regulate ang bilang ng mga pumapasok sa isla kasabay ng re-opening nito sa susunod na buwan.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu – inaasahang maaprubahan ang security measure bago ang pagbubukas ng isla sa October 26.
Binanggit din ng kalihim ang dry run o partial opening na mangyayari sa October 16 hanggang 25.
Aniya, ang tap card ay magiging available sa Caticlan Jetty Port sa halagang ₱25 hanggang ₱30 bilang deposit sa pagpasok sa isla.
Ang card ay magsisilbing alternative payment scheme para pambili ng produkto o serbisyo sa Boracay.
Sa ngayon, nasa 6,405 tourist ang inisyal na papayagang makapasok sa Boracay bawat araw.