REOPENING | Pagbabawal ng paggamit ng single-use plastics sa Boracay, suportado ng DENR

Aklan – Suportado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng disposable plastics sa Boracay at sa natitirang bahagi ng bayan.

Ang Malay Municipal Government ay inaprubahan ang ordinansang nagbabawal sa paggamit ng single-use o disposable plastic sa mga hotel, resort, restaurant, at establishments sa accommodation businesses.

Ayon kay DENR undersecretary Benny Antiporda, malaki ang maitutulong ng ordinansa sa rehabilitation efforts ng government sa Boracay.


Aniya, ang single-use plastics ay nakakapagdagdag sa problema ng basura sa isla.

Ang Malay ay magsisilbing modelo hindi lamang sa buong Aklan o sa buong Panay Island, kundi maging sa iba pang lokal na pamahalaan na may ecotourism sites.

Facebook Comments