Rep. Barzaga, naghain ng ethics complaint laban kay Deputy Speaker Puno

Naghain ng reklamo sa House Committee on Ethics ang Privileges si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga laban kay House Deputy Speaker at Antipolo 1st Distrcit Rep. Ronaldo Puno.

Ayon kay Barzaga, mayroong tatlong basehan ang kanyang ethics complaint laban kay Puno.

Unang binanggit ni Barzaga ay ang pagagamit ni Puno ng mental health issue laban sa kanya gayong hindi ito propesyonal at walang kakayahan para madetermina ang mental health condition ng sinuman.

Pangalawang binanggit ni Barzaga, ang paggamit umano ni Puno sa Ethics committee para pigilan ang kanyang mga pahayag laban kay dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na salungat sa demokrasya at karapatan sa pagpapahayag.

Ikatlong binanggit ni Barzaga ang pagagamit ni Puno sa kanyang mga larawan kasama ang ilang pribadong indibidwal na kinunan bago pa sya maging kongresista.

Diin ni Barzaga, ang mga naging aksyon at pahayag ni Rep. Puno ay paglabag sa Konstitusyon, Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Cybercrime Prevention Act at Right to Privacy.

Facebook Comments