
Nananatiling miyembro ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas si Rep. Camille Villar sa kabila ng imbestigasyon ng pamahalaan sa kontrobersyal na PrimeWater.
Ayon kay Alyansa campaign manager at Navotas City Cong. Toby Tiangco, nirirespeto nila ang track record ni Villar sa public service at kumpiyansa silang susuportahan din ni Villar ang mga hakbang ng administrasyon sa transparency, accountability, at public good.
Sa kabila nito, suportado rin aniya ng Alyansa ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na imbestigahan ang PrimeWater dahil sa ilalim ng Bagong Pilipinas, kapakanan ng mga tao ang inuuna.
Giit ni Tiangco, ang mga ganitong isyu ay dapat idaan sa tamang proseso at transparent na channel dahil importante ang access sa malinis na tubig para sa publiko.
Panawagan naman ni Tiangco na ibase ang imbestigasyon sa mga ebidensya at tamang impormasyon.









