
Iginiit ni Pwersa ng Pilipinong Pandagat Party-list Rep. Harold Duterte na politika lang ang ugat ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
Mensahe ito ni Rep. Duterte kaugnay sa pagsasagawa ng ICC ng confirmation hearing ngayon para sa kinakaharap an crimes against humanity ni dating Pangulong Duterte.
Giit ni Rep. Harold, hindi ito pananagutan at hindi para sa mga biktima o hustisya kun’di patungkol lang sa politika.
Diin ni Rep. Duterte, pinamunuan ni dating Pangulong Duterte noong panahon na matindi ang ating problema sa ilegal na droga.
Pero nakakalungkot aniya na ngayon ay lumalala ang problema sa illegal drugs.
Ayon kay Rep. Duterte, sa ngalan ng pulitika ay ginamit si FPRRD bilang scapegoat sa harap ng mga hindi nareresolbang problema ng bansa.
Bunsod nito ay nananawagan si Rep. Harold ng panalangin para sa agarang paglaya at pagbalik sa bansa ni dating Pangulong Duterte.










