Manila, Philippines – Inamin ngayon ni incoming Presidential Spokesperson Harry Roque na pokus ng kaniyang bagong trabaho na maipaliwanag sa media at publiko ang tunay na kahulugan o intensyon ng mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang administrasyon.
Sa kanyang inilabas na statement, sinabi ni Roque na layunin nitong ibaling ang atensyon ng taongbayan sa mga polisiya ng estado at hindi masyado sa kung paano naipahayag o naideklara.
Ayon kay Roque, ipinapangako nitong mabawasan kung hindi man ganap na maalis ang impact ng mga statements na mistulang sumusuporta sa paglabag sa karapatang pantao.
Nilinaw naman ni Roque na ang kanyang pagtanggap sa posisyon ay hindi nangangahulugang kinukunsinti na nito ang karahasang naiuugnay sa anti-drug war ng Duterte administration, bagkus mananatili daw ang kanyang human rights advocacy.