Manila, Philippines – Umaasa si KABAYAN Rep. Harry Roque na mababaligtad pa sa plenaryo ang pagbasura at pagdedeklara na insufficient in form ang impeachment complaint Laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Roque, mayroon pang plenaryo at dito dedesisyunan kung ano ang magiging pinal na kapalaran ni Bautista.
Pwedeng ma-override ang desisyon ng House Committee on Justice kung makakuha ng 1/3 votes o 98 na bilang ng boto ng mga mambabatas sa plenaryo para ideklarang sufficient in form and substance ang reklamo.
Nababahala naman si Roque na mahihirapan sila sa plenaryo dahil nangingilag ang mga mambabatas sa COMELEC.
Sakaling hindi magtagumpay sa plenaryo ay iisip ng ibang paraan kung paano mapapanagot si Bautista.
Pinababantayan naman ng kongresista sa publiko ang kontrata na papasukin ni Bautista sa COMELEC at sa Smartmatic sa darating na eleksyon ng susunod na taon.
Aniya, very crucial ang susunod na taon dahil bukod sa mananatili pa ring Chairman ng COMELEC si Bautista ay isang taon pa ang hihintayin bago sila makapaghain muli ng impeachment complaint.