Rep. Martin Romualdez, handang humarap sa pagdinig ng ICI

Handa si Leyte First District Representative Ferdinand Martin Romualdez na humarap sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ukol sa maanomalyang flood control projects.

Si romualdez ay inimbitahan ng ICI sa pagdinig nito sa susunod na Martes, October 14.

Kinumpirma ng tanggapan ni Romualdez na natanggap nila ang nabanggit na imbitasyon.

Sa pahayag ng tanggapan ni Romualdez ay binigyang-diin ang kooperasyon ng Kongresista sa komisyon.

Base sa statement, lubos ang suporta ni Romualdez sa layunin ng ICI na maitaguyod ang transparency, accountability, at good governance.

Facebook Comments