Rep. Remulla, nag-sorry dahil nagsusulat habang pinapatugtog ang Lupang Hinirang

Humingi ng dispensa si Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla matapos siyang makuhanan ng video na nagsusulat habang pinapatugtog sa Kongreso ang “Lupang Hinirang” bago simulan ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.

“I’d like to apologize for an earlier incident na ako po’y may sinusulat na note nung nagfa-flag ceremony tayo.  I wrote the note—hindi ko ho excuse ‘to—because something went into my mind for the questions I will ask tonight,” paliwanag ng kongresista.

Handa rin umano siyang magbayad kung sakaling patawan ng multa kaugnay ng insidente.


Dagdag pa ng mambabatas, patatawarin niya ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng video na posibleng mula raw sa Kapamilya network.

Sa ilalim ng Republic Act 8491 Section 38, kailangan magbigay-galang sa bandila ang isang Pilipino habang pinapatugtog o kinakanta ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Ang sinumang lalabag sa naturang batas ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P20,000 at maaring mabilanggo nang hindi lalagpas sa isang taon.

Facebook Comments