Nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat ang kinatawan ng San Jose Del Monte(SJDM) Bulacan na si Rida Robes at kabiyak na si Mayor Arthur Robes sa mabilis na Aksiyon ng rescue teams na sumagip kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Gamboa at mga kasamahan nito makaraang maaksidente ang sinasakyang nilang helicopter sa San Pedro, Laguna huwebes ng umaga.
“When I heard about it, I felt like my heart stopped for a few seconds,” said Rep. Robes. “The mayor and I know him so it was really scary.” Pahayag ni Rep. Rida.
Ayon sa tinaguriang power couple ng SJDM, ikinatutuwa nila na ligtas na ang kalagayan ng PNP Chief na itinuturing nilang kaibigan.
Nagpapasalamat din ang tinaguriang “Ate Rida” at Mayor Arthur Robes, na kapwa ligtas na rin ang kalagayan ng mga nakasabay sa chopper ni Gamboa na sina Maj. Gen. Mariel Magaway (pinuno ng Directorate for Intelligence); Maj. Gen. Jose Ma. Victor Ramos (Pinuno ng Directorate for Comptrollership); Brig. Gen. Bernard Banac (PNP spokesman); Capt. Kevin Gayrama (PNP Chief’s aide-de-camp); pilot Lt. Col. Ruel Salazar, at kanyang co-pilot Lt. Col. Rico Macawili, at ang chopper crew na si Senior Master Sgt. Louie Estona.
“I sighed with relief when I heard that everyone survived the accident. I know that these men already put their lives on the line each day as they serve our country, but nobody wants to see them get hurt.” Sabi naman ng Alkalde.
Sinabi ng mga Robes, sa araw-araw na ginawa ng diyos ay ibinubuwis ng buhay ng mga katulad ni Gamboa at mga kasamahan nito para lamang makapag-lingkod sa bayan. Kailangan anila silang ipagdasal na manatiling ligtas.
Nabatid na isang RP-3086 – Bell 429 Global Ranger model ang sinasakyang chopper nina Gamboa na nai-deliver sa PNP noong March 2018.
Isang prayer vigil ang nakatakdang pangunahan ng number 2 man ng PNP na si Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan sa St. Joseph Chapel sa Camp Crame ngayong araw para ipanalangin ang recovery ng walo.
“It’s always important to be prepared,” sabi ni Rep. Robes. “The presence of rescuers often spells the difference between life and death in situations like this.”