Rep. Romualdez, tinanggap ang posisyon bilang house majority leader

Manila, Philippines – Tinanggap ni Leyte Representative Martin Romualdez ang majority leadership position sa House of Representatives.

Ayon kay Albay Representative Joey Salceda – nagpatawag ng meeting si Romualdez hinggil dito.

Aniya, susunod sila sa kagustuhan ng Pangulo tungkol sa speakership.


Dagdag pa ni Salceda – nakiusap sila kay Romualdez na mag-develop ng isang ‘robust’ at ‘dynamic’ relationship sa susunod na house speaker.

Tiniyak din nila na isusulong nila ang legislative agenda ng Pangulo.

Matatandaang inanunsyo ng Pangulo na maghahati sina Taguig Representative Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa speakership sa ilalim ng term sharing.

Facebook Comments