Rep. Roque, nagsumite na ng draft ng articles of impeachment laban kay Bautista

Manila, Philippines – Nagsumite na sa House Committee on Justice si Kabayan Rep. Harry Roque ng proposed draft ng articles of impeachment na naglalaman ng mga reklamo laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

Sa unang article ay nakasaad ang 30 magkakahiwalay na bank accounts sa Luzon Development Bank sa Taguig na may kabuuang deposito na 227.701 millon pesos na bukod pa sa 5 accounts sa Luzon Development Bank sa Makati na may 101.519 million at mga foreign currency account at peso account sa RCBC na may 12,778 us dollars at 257,931 pesos.

May hiwalay pa ditong HSBC bank account sa Hong Kong na may kabuuang deposito na 948,358 Hong Kong dollars.


Nakasaad din ang mga real property at kumpanya ng Comelec Chairman na ilan dito ay hindi deklarado sa SALN.

Sa Article 2 naman ay nakasaad dito ang pagtanggap umano ni Bautista ng komisyon sa Divina and Uy Law Office.

Sa article 3 naman ay ang hindi tapat na deklarasyon ng SALN ni Bautista.

Samantala ang Article 4 naman ay nakatutok sa isyu ng Comeleak na kumukwestyon sa integridad ng halalan sa bansa.

Sa botohan kahapon, maliban kay Roque at Cebu Rep. Gwen Garcia na bumoto para ituloy ang impeachment kay Bautista, kasama rin na bumoto rito si Speaker Pantaleon Alvarez

Facebook Comments