Rep. Velasco napiling pambato ng PDP-Laban sa speakership

Pinangalanan na ng political party ni Pangulong Rodrigo Duterte na partido ng demokratikong Pilipino-laban (PDP-laban) ang kanilang manok sa speakership para sa 18th Congress

 

Via video conference mula sa Los Angeles sa Amerika, inihayag ni Sen. Manny Pacquiao na si Marinduque representative Lord Alan Velasco ang napili ng kanilang partido na pambato sa pagka-speaker ng House Of Representatives.

 

Ayon kay Pacquiao, maraming miyembro ng PDP-laban ang nagbigay ng suporta sa pamamagitan ng pagpirma sa manifesto para kay Velasco.


 

Ipinaliwanag din ni Pacquiao na kaya hindi na naki-alam si Pangulong Duterte sa pagpili ng pambato ng PDP-laban ay dahil ayaw na niyang makasakit ng damdamin ng iba.

 

Bagamat hindi lantarang ipinamumukha, umapela si Pacquiao sa mga kongresista na si Velasco ang dapat suportahan lalo nat malaki ang maitutulong nito sa mga isinusulong na pagbabago ng Duterte Administration.

 

Bukod kay Velasco, nagpahayag din ng interest na tumakbo sa speakership ang kapwa ka-partido na sina Pampanga representative Aurelio “dong” Gonzales at Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez.

 

Pero, sinabi ng senador na nagpaubaya na ang mga ito para suportahan si Velasco.

 

Inaasahan na makakatunggali ni Velasco sa speakership bid sina leyte representative-elect Martin Romualdez ng lakas at Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments