Repacking ng DZXL Radyo Trabaho team, natapos na para sa Oplan Tabang DZXL Paskolubong 2020

Natapos na ng DZXL 558 Radyo Trabaho team ang repacking para sa Oplan Tabang Disaster Relief Operation – DZXL Paskolubong 2020 na isasagawa bukas, December 10.

Ito ay para sa 300 beneficiaries mula sa Dike 1 at Dike 2 ng Barangay Balite, Rodriguez, Rizal na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Ulysses.

kabilang sa ating ipapamigay ay ang:


 bigas
 kape
 asukal
 sardinas
 meat loaf
 noodles
 bath soap
 facemask
 alcohol
 at tubig

Ang Oplan Tabang Disaster Relief Operation ay isinasagawa rin sa IFM Cauayan at RMN Naga.

Katuwang sa proyektong ito ang RMN Networks Inc., RMN Foundation Inc., GT Foundation at Metrobank Foundation.

Facebook Comments