Repacking ng mga relief goods para sa mga naapektuhan ng lindol sa Northern Cebu, isinagawa ng PCG

COURTESY: Coast Guard District Central Visayas

Nagsagawa ng sorting and repacking ng mga relief goods ang Coast Guard District Central Visayas para sa mga naapektuhan ng lindol sa Northern Cebu.

Aktibong nakiisa sa nasabing unloading , sorting at repacking ang mga personnel ng Coast Guard para masigurong napapanahon at organisado ang distribyusyon ng mga esenyal na suplay.

Kung saan nasa kabuuang 2,000 relief packs ang naibalot ng mga personnel ng coast guard na ipapamahagi sa sa mga residente.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa humanitarian assistance at disaster response sa mga apektadong lugar sa bansa.

Facebook Comments