Budget hearings sa Senado, tatapusin sa Oct. 24

Target ng Senate Committee on Finance na tapusin ang mga budget hearings sa October 24.

Ayon kay Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian, pasok pa rin sa schedule ang pagtalakay ng Finance committee at subcommittees sa mga budget ng bawat ahensiya.

Ilan sa mga natitirang government agencies na sasalang sa budget hearings sa susunod na linggo ay ang Department of Social Welfare and Development, Department of Energy, Department of Justice, Department of Environment and Natural Resources, Department of Labor and Employment, Department of Information and Communications Technology, Department of Agrarian Reform at Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Gatchalian na pagkatapos ng pagdinig sa komite ng mga budget ng ahensiya ay saka naman sila magsasagawa ng technical working group meetings para pag-usapan ang mga proposals ng mga senador at kung saan huhugutin ang pondo.

Pinag-aaralan ng Senado na kunin ang pondo para sa mga kinakailangang proyekto mula sa mga tanggapan o ahensiya na wala na sa mandato o sobra-sobra naman ang budget.

Facebook Comments