Repair at konstruksyon sa NLEX, itinigil muna bilang paghahanda sa Semana Santa

Itinigil na muna ng North Luzon Expressway (NLEX) ang lahat ng repair at konstruksyon sa nasabing expressway hanggang April 11.

Ito ay bilang paghahanda na rin sa inaasahang dagsa ng mga motoristang babiyahe sa mga probinsya ngayong Semana Santa.

Ibig sabihin, ayon kay NLEX Traffic Senior Manager Robin Ignacio, lahat ng lane sa NLEX ay madaraanan ng mga motorista.


Samantala, bubuksan na rin ngayong araw ang Candaba Viaduct sa Pampanga na nagdurugtong sa Metro Manila sa Central at North Luzon.

Binuksan na rin noong Miyerkules, March 29, ang España Caloocan NLEX Connector na layong maibsan ang traffic sa kahabaan ng España Boulevard, Abad Santos Avenue, Rizal Avenue at Lacson Avenue kasama na ang University Belt.

Toll-free pa sa NLEX connector hanggang sa maglabas ng abiso ang pamunuan ng expressway.

Facebook Comments